
January 22, 2021
Ngayong 4 PM, Enero 22, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,178 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 250 na gumaling at 20 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.3% (32,031) ang aktibong kaso, 91.7% (467,720) na ang gumaling, at 1.99% (10,136) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.