
January 21, 2021
Ngayong 4 PM, Enero 21, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,783 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 500 na gumaling at 74 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.9% (30,126) ang aktibong kaso, 92.1% (467,475) na ang gumaling, at 1.99% (10,116) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.