
January 17, 2021
Ngayong 4 PM, Enero 17, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,895 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,868 na gumaling at 11 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.9% (24,691) ang aktibong kaso, 93.1% (465,991) na ang gumaling, at 1.98% (9,895) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.