January 16, 2021

Ngayong 4 PM, Enero 16, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,058 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 406 na gumaling at 8 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.7% (28,674) ang aktibong kaso, 92.3% (460,133) na ang gumaling, at 1.98% (9,884) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.