January 14, 2021

Ngayong 4 PM, Enero 14, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,912 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 746 na gumaling at 40 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (25,614) ang aktibong kaso, 92.9% (459,252) na ang gumaling, at 1.97% (9,739) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.