
January 12, 2021
Ngayong 4 PM, Enero 12, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,524 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 44 na gumaling at 139 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.8% (23,532) ang aktibong kaso, 93.3% (458,172) na ang gumaling, at 1.94% (9,554) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.