January 7, 2021

Ngayong 4 PM, Enero 7, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,353 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 360 na gumaling at 9 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.9% (23,675) ang aktibong kaso, 93.1% (449,052) na ang gumaling, at 1.94% (9,356) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.