
January 6, 2021
Ngayong 4 PM, Enero 6, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,047 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 339 na gumaling at 26 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (22,690) ang aktibong kaso, 93.3% (448,700) na ang gumaling, at 1.94% (9,347) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.