January 2, 2021

Ngayong 4 PM, Enero 2, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,097 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 47 na gumaling at 5 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.8% (27,721) ang aktibong kaso, 92.2% (439,942) na ang gumaling, at 1.94% (9,253) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.