
January 1, 2021
Ngayong 4 PM, Enero 1, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,765 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 106 na gumaling at 4 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.6% (26,677) ang aktibong kaso, 92.4% (439,895) na ang gumaling, at 1.94% (9,248) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.