
December 25, 2020
Ngayong 4 PM, Disyembre 25, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,885 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 307 na gumaling at 7 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.9% (27,748) ang aktibong kaso, 92.1% (430,791) na ang gumaling, at 1.94% (9,062) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.