
December 22, 2020
Ngayong 4 PM, Disyembre 22, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,314 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 247 na gumaling at 66 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3% (24,375) ang aktibong kaso, 92.8% (429,419) na ang gumaling, at 1.95% (9,021) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.