
December 16, 2020
Ngayong 4 PM, Disyembre 16, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,156 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 425 na gumaling at 21 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.5% (24,873) ang aktibong kaso, 92.6% (419,282) na ang gumaling, at 1.95% (8,833) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.