
December 15, 2020
Ngayong 4 PM, Disyembre 15, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,135 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 173 na gumaling at 56 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3% (24,160) ang aktibong kaso, 92.7% (418,867) na ang gumaling, at 1.95% (8,812) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.