December 14, 2020

Ngayong 4 PM, Disyembre 14, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,339 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 41 na gumaling at 24 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (23,253) ang aktibong kaso, 92.9% (418,723) na ang gumaling, at 1.94% (8,757) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: doh.gov.ph/covid19tracker.