December 11, 2020

Ngayong 4 PM, Disyembre 11, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,504 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 273 na gumaling at 8 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.5% (29,001) ang aktibong kaso, 91.6% (409,329) na ang gumaling, at 1.95% (8,709) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.