
December 9, 2020
Ngayong 4 PM, Disyembre 9, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,387 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 156 na gumaling at 7 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.0% (26,545) ang aktibong kaso, 92.1% (408,942) na ang gumaling, at 1.95% (8,677) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.