
December 8, 2020
Ngayong 4 PM, Disyembre 8, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,400 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 139 na gumaling at 98 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.7% (25,325) ang aktibong kaso, 92.3% (408,790) na ang gumaling, at 1.96% (8,670) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: doh.gov.ph/covid19tracker.