
December 2, 2020
Ngayong 4 PM, Disyembre 2, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,438 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 232 na gumaling at 18 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.2% (26,916) ang aktibong kaso, 91.9% (399,005) na ang gumaling, at 1.94% (8,436) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: doh.gov.ph/covid19tracker.