November 25, 2020

Ngayong 4 PM, Nobyembre 25, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,202 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 183 na gumaling at 31 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.6% (27,745) ang aktibong kaso, 91.5% (386,955) na ang gumaling, at 1.94% (8,215) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: doh.gov.ph/covid19tracker.