
November 24, 2020
Ngayong 4 PM, Nobyembre 24, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,118 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 196 na gumaling at 12 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.3% (26,745) ang aktibong kaso, 91.7% (386,792) na ang gumaling, at 1.94% (8,185) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: doh.gov.ph/covid19tracker.