November 20, 2020

Ngayong 4 PM, Nobyembre 20, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,639 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 305 na gumaling at 27 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.7% (31,805) ang aktibong kaso, 90.4% (375,237) na ang gumaling, at 1.93% (8,025) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.