November 12, 2020

Ngayong 4 PM, Nobyembre 12, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,407 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 211 na gumaling at 11 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.1% (32,682) ang aktibong kaso, 90.0% (362,417) na ang gumaling, at 1.92% (7,721) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.