
January 13, 2021
Ngayong 4 PM, Enero 13, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,453 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 397 na gumaling at 146 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.0% (24,478) ang aktibong kaso, 93.1% (458,523) na ang gumaling, at 1.97% (9,699) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: doh.gov.ph/covid19tracker.