March 4, 2021

Ngayong 4 PM, Marso 4, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,452 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 266 na gumaling at 15 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.4% (37,226) ang aktibong kaso, 91.5% (535,037) na ang gumaling, at 2.12% (12,404) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.