April 8, 2021

Ngayong 4 PM, Abril 8, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 9,216 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 598 na gumaling at 60 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 20.2% (167,279) ang aktibong kaso, 78.1% (646,968) na ang gumaling, at 1.70% (14,119) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.