April 12, 2021

Ngayong 4 PM, Abril 12, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 11,378 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 267 na gumaling at 204 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 18.0% (157,451) ang aktibong kaso, 80.3% (703,625) na ang gumaling, at 1.73% (15,149) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.