
Ngayong 4 PM, Mayo 20, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,100 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,071 na gumaling at 135 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.5% (51,912) ang aktibong kaso, 93.9% (1,093,602) na ang gumaling, at 1.69% (19,641) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, ang lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 18, 2021 ngunit mayroong 3 na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 2.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.