June 2, 2021

Ngayong 4 PM, Hunyo 2, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,257 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,266 na gumaling at 146 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.2% (52,132) ang aktibong kaso, 94.1% (1,167,426) na ang gumaling, at 1.71% (21,158) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 31, 2021 ngunit mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.13% sa lahat ng samples na naitest at 0.15% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.