June 7, 2021

Ngayong 4 PM, Hunyo 7, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,539 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,969 na gumaling at 71 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% (58,854) ang aktibong kaso, 93.7% (1,195,181) na ang gumaling, at 1.72% (21,969) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 5, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 3.1% sa lahat ng samples na naitest at 5.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker