
Ngayong 4 PM, Hunyo 13, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,302 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,701 na gumaling at 137 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% (59,865) ang aktibong kaso, 93.7% (1,232,986) na ang gumaling, at 1.73% (22,788) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 11, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.17% sa lahat ng samples na naitest at 0.18% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.