
Ngayong 4 PM, Hulyo 4, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,966 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,987 na gumaling at 86 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.7% (52,708) ang aktibong kaso, 94.6% (1,358,512) na ang gumaling, at 1.75% (25,149) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 2, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.21% sa lahat ng samples na naitest at 0.06% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.