
Ngayong 4 PM, Hulyo 28, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,478 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,149 na gumaling at 84 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.5% (54,552) ang aktibong kaso, 94.8% (1,484,714) na ang gumaling, at 1.75% (27,401) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 26, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.6% sa lahat ng samples na naitest at 1.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.