September 28, 2021

Ngayong 5PM, Setyembre 28, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 13,846 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 39,980 na gumaling at 91 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (132,139) ang aktibong kaso, 93.3% (2,353,140) na ang gumaling, at 1.51% (37,686) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 26, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 1.3% sa lahat ng samples na naitest at 1.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.