October 5, 2021

Ngayong 5:30 PM, Oktubre 5, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 9,055 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 12,134 na gumaling at 0 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (103,077) ang aktibong kaso, 94.6% (2,471,165) na ang gumaling, at 1.49% (38,828) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 3, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 1.9% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.