October 29, 2021

Ngayong 4 PM, Oktubre 29, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,043 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,224 na gumaling at 44 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.8% (50,630) ang aktibong kaso, 96.6% (2,686,692) na ang gumaling, at 1.53% (42,621) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 27at lahat ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.