
Ngayong 4 PM, Nobyembre 3, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,591 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,294 na gumaling at 186 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.4% (38,014) ang aktibong kaso, 97.1% (2,712,298) na ang gumaling, at 1.56% (43,586) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 1, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 1.3% sa lahat ng samples na naitest at 3.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.