Ngayong 4 PM, Nobyembre 15, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,547 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,601 na gumaling at 128 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.0% (27,025) ang aktibong kaso, 97.4% (2,745,777) na ang gumaling, at 1.62% (45,709) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 13, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.