
Noong ika-3 ng Abril 2022, mayroong 692 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,990 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 492 (16.5%) ang okupado. Samantala, 16.7% ng 25,340 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 66 milyong indibidwal o 73.47% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 12.1 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.6 milyong senior citizens o 75.83% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Marso 28 hanggang Abril 3, 2022, 2,679 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 382, mas mababa ng 2% kung ikukumpara sa mga kaso noong Marso 21 hanggang 27. Sa mga bagong kaso, 1 o 0.04% ang kasalukuyang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 329 na pumanaw.
Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted facemask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa dagdag na proteksyon laban sa banata ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
Of the 329 deaths, 116 occurred in March 2022 (35.3%), 81 in February 2022 (24.6%), 50 in January 2022 (15.2%), 5 in December 2021 (1.5%), 4 in November 2021 (1.2%), 16 in October 2021 (4.9%), 14 in September 2021 (4.3%), 9 in August 2021 (2.7%), 13 in July 2021 (4.0%), 19 in June 2021 (5.8%), 1 in May 2021 (0.3%), and 1 in March 2021 (0.3%).