
Noong ika-22 ng Mayo 2022, mayroong 718 na malubha at kritikal na pasyenteng naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,812 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 432 (15.4%) ang okupado. Samantala, 17.4% ng 23,697 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 69 milyong indibidwal o 76.71% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 13.8 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizens o 77.22% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Mayo 16 hanggang 22, 2022, 1,214 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 173, mas mataas ng 9.9 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 9 hanggang Mayo 15. Sa mga bagong kaso, 14 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 6 na pumanaw kung saan 3 ay naganap noong Mayo 9 hanggang 22.
Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted facemask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa dagdag na proteksyon laban sa banata ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
Of the 6 deaths, 3 occurred in May 2022 (50.0%), 1 in April 2022 (16.7%), 1 in February 2022 (16.7%), and 1 in January 2021 (16.7%).