Kailan ang National Vaccination Days? Anong mangyayari sa mga araw na ito?

Itinalaga ang Nobyembre 29, 30 at Disyembre 1 bilang National Vaccination Days. Sa mga araw na ito, hinihikayat ang lahat ng Pilipinong edad 18 pataas at kabataang edad 12 hanggang 17 taong gulang na magpabakuna bilang kontribusyon sa proteksyon ng bawat pamilyang Pilipino mula sa COVID-19 at mga variants nito.

Ano ang layunin ng National Vaccination Days?

Nilalayong magbakuna ng 15 milyong Pilipino sa tatlong araw ng National Vaccination Days. Bahagi ito ng patuloy na pagtutulungan ng gobyerno at iba pang sektor na maprotektahan ang lahat ng Pilipino mula sa COVID-19 at variants nito ngayong dumarating na ang mga supply ng bakuna para sa buong Pilipinas.

Sino ang babakunahan?

Lahat ng Pilipinong edad 18 taong gulang pataas at kabataang edad 12 hanggang 17 taong gulang ay babakunahan. Patuloy ang pagbabakuna sa mga Local Government Unit (LGU) bago at matapos ang National Vaccination Days.

Saan pwede magparehistro?

Makipag-ugnayan sa inyong LGU para sa pagpaparehistro. Pareho pa rin ang pagpaparehistro sa National Vaccination Days sa kasalukuyang gamit na pagpaparehistro ng mga LGU, online man o manual.

Anong kailangan dalhin sa National Vaccination Days?

Magrehistro bago ang araw ng bakuna.

Para sa mga edad 18 pataas, dalhin ang inyong:

  1. valid ID at
  2. medical clearance, kung kinakailangan

Para sa mga kabataan edad 12 hanggang 17 taong gulang, dalhin ang:

  1. patunay ng relasyon ng anak sa magulang (baptismal certificate, birth certificate, atbp)
  2. valid ID ng babakunahan, at
  3. valid ID ng magulang/legal guardian

Anong dokumento ang maaaring dalhin kapalit ng Special Power of Attorney (SPA) kung ang magulang ay hindi masasamahan ang babakunahan sa araw ng bakuna?

Dapat dalhin ng kasama ng babakunahan ang mga sumusunod:

  1. Naka-notaryong Authorization Letter
  2. Affidavit ng magulang/guardian na may panunumpa kasama ng isang public official tulad ng notary public o awtorisadong kawani (tulad ng opisyal ng barangay) at pagpapakita ng valid government ID
  3. Barangay Certification mula sa Barangay Captain / Punong Barangay

Anu-anong karamdaman ang kailangan ng medical clearance bago magbakuna para sa mga edad 18 taong gulang pataas?

Kailangan ng medical clearance bago magpabakuna para sa alinman sa sumusunod na kondisyon/karamdaman:

  1. Autoimmune disease
  2. Persons living with HIV (PLHIV)
  3. Kanser/malignancy
  4. Mga sumailalim sa transplant
  5. Kasalukuyang ginagamot ng steroids
  6. Mga nakaratay na lang sa kama o may taning na dahil sa karamdaman

Kailangan ba ng medical certification bago mabakunahan ang kabataang edad 12 hanggang 17 taong gulang?

Tanging ang mga kabataang may karamdaman ang mangangailangan ng medical certification bago magpabakuna. Ang mga kabataang edad 12 hanggang 17 taong gulang na walang karamdaman ay hindi kailangan ng medical certification bago mabakunahan.

Kasama ba ang booster doses para sa mga babakunahan sa National Vaccination Days?

Oo, kasama ang booster doses sa National Vaccination Days. Nitong Nob 17, 2021, healthcare workers pa lamang mula sa A1 priority group ang maaaring bakunahan ng booster dose. Sa Nob 22, 2021, magsisimula na din ang senior citizens at mga may ibang karamdaman.

Magkakaroon ba ng nakalaang vaccination site para sa mga adult, kabataan, at booster shots?

Ang pagtatalaga ng sariling vaccination site ay nakasalalay sa Local Government Unit. Subaybayan ang opisyal na anunsyo ng inyong Governor o Mayor.

Basta Bakunado, Panalo!

para sa karagdagang impormasyon sa Bakunado Panalo raffle, i-click lamang ang link na ito -->

 

Register now for your COVID-19 vaccines and be part of the BIDA BAKUNATION 


Updates on COVID-19 Vaccines
Information may change at any time due to the evolving situation.


COVID-19 Vaccination Dashboard [view in full-screen]


 

 

 

 
 

 

New!

READ: Success stories of other countries’ COVID-19 vaccination programs. Click HERE.


Let’s realize a COVID-protected Philippines! As more Filipinos are vaccinated, we are a few more steps closer to brighter days in the new normal. Click here to learn more.


A4 Priority Group: Re-RESBAKUNA Na! Read the Frequently Asked Questions (FAQs) on Priority Eligibility Group A4 HERE.


VACCINES ARE SAFE, EFFECTIVE, AND FREE! Learn more by accessing the RESBAKUNA Materials on Safety and Efficacy and Fake vs Facts materials


Ano ang Iba’t-Ibang Uri ng Bakuna Kontra COVID-19? Watch HERE.


Fast Five: Pwede bang Magpabakuna ang mga may Hypertension at Cardiovascular Disease? Watch HERE.


Check the FAQs: Adverse Events Following Immunization (AEFIs). Click HERE.


Moderna COVID-19 vaccine has been granted Emergency Use Authorization (EUA) by the Philippine Food and Drug Administration (FDA). There are now a total of eight (8) COVID-19 vaccines with Philippine FDA EUA approvals.


What to do before, during, and after vaccination? Click HERE.


Johnson & Johnson’s Janssen and Bharat BioTech’s Covaxin COVID-19 vaccines have been granted Emergency Use Authorization (EUA) by the Philippine Food and Drug Administration.


Know the right answers to Frequently Asked Questions (FAQs) about Priority Group A3 (Persons with Comorbidities). Click HERE.