Do we need to include in the Risk Classification Report our outsourced services personnel? Kinakailangan bang isama sa Risk Classification Report ang mga outsourced services personnel?

All employees are included. However, please take note that this will NOT automatically translate into being eligible for COVID-19 HCWs benefits. Separate policies will be issued on COVID-19 sickness and death compensation benefits and ONE COVID-19 benefits which will have their own respective inclusion and exclusion criteria.

Ang lahat ng empleyado ay kasama. Ngunit, dapat tandaan na hindi magiging awtomatiko ang pagiging eligible ng isang HCW sa benepisyong COVID-19. Maglalabas ng hiwalay na polisiya ukol sa grant ng ONE COVID-19 Allowance at kabayaran para sa pagkakasakit at pagkamatay dahil sa COVID-19. Ang bawat polisiya ay magkakaroon ng kani-kanilang pamantayan.