Ngayong 4 PM, Abril 21, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 9,227 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 19,699 na gumaling at 124 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 12.1% (116,434) ang aktibong kaso, 86.2% (829,608) na ang gumaling, at 1.69% (16,265) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.
