Noong ika-24 ng Abril 2022, mayroong 726 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,841 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 479(16.9%) ang okupado. Samantala, 16.9% ng 24,309 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 67 milyong indibidwal o 74.98% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 12.9 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.6 milyong senior citizens o 76.35% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Abril 18 hanggang 24, 2022, 1,465 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 209, mas mababa ng *12 percent* kung ikukumpara sa mga kaso noong Abril 11 hanggang 17. Sa mga bagong kaso, wala sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 213 na pumanaw kung saan 31 ay naganap noong Abril 11 hanggang 24.
*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted facemask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa dagdag na proteksyon laban sa banata ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.*
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
*Of the 213 deaths, 43 occurred in April 2022 (20.2%), 14 in March 2022 (6.6%), 8 in February 2022 (3.8%), 13 in January 2022 (6.1%), 14 in December 2021 (6.6%), 7 in November 2021 (3.3%), 4 in October 2021 (1.9%), 41 in September 2021 (19.2%), 25 in August 2021 (11.7%), 10 in July 2021 (4.7%), 6 in June 2021 (2.8%), 4 in May 2021 (1.9%), 13 in April 2021 (6.1%), 5 in March 2021 (2.3%), 1 in February 2021 (0.5%), 2 in November 2020 (0.9%), 2 in September 2020 (0.9%), and 1 in August 2020 (0.5%).*
?php print render($page['highlighted']); ?>