Kontra COVID Heroes
  • Adobo Connection

    Ang Adobo Connection ay nakapagbahagi ng food meals sa 3,000 healthcare workers mula sa mga ospital sa Luzon. Ang kumpanya ay nagsagawa rin ng donation drive para sa iba pang healthcare workers.

    Taos pusong pasasalamat po!

  • Abot Tulong PH

    Maraming salamat sa Abot Tulong PH sa pagbibigay ng donasyon sa mga residente, volunteer, at frontliner ng Las Pinas. Umabot sa 109 na pamilya ang nakatanggap ng mga pagkain. Samantala, 15 na pamilya naman ang nakatanggap ng monetary donation.

    Saludo po kami sa inyo!

  • Amway Philippines

    Nakipagtulungan ang Amway Philippines sa Philippine Red Cross sa paghahatid ng donasyon tulad ng nutrition at personal care products at cash aid sa mga nangangailangan. Nakapagbigay din ng PPEs ang kumpanya sa San Lazaro Hospital.

    Maraming salamat po!

  • Bloomberry Cultural Foundation, Inc.

    Nagbigay ang Bloomberry Cultural Foundation, Inc. ng PPEs, ventilators, rapid test kits, PCR machines, medical equipment, at essential supplies sa iba’t ibang mga ospital sa bansa. Nakatanggap din ng donasyon ang ilang mga kabahayang nangangailangan. Tumulong din ang kompanya sa pagsasaayos ng ilang treatment facilities.

    Maraming salamat po sa pagseserbisyo!

  • The Compassion Project

    Nagbigay ng immunopacks ang The Compassion Project sa 240 na senior citizens sa Brgy. 846 Pandacan, Manila. Nakatanggap din ng face masks ang ilang frontliners. Malaking tulong ang mga naipamigay na donasyon sa paglaban sa COVID-19.

    Maraming salamat po sa inyong serbisyo!

     

  • Insular Life Assurance Company, Ltd

    Naghatid ang Insular Foundation, ang corporate social arm ng Insular Life Assurance Company, Ltd, ng mga PPE at cash donation sa siyam na ospital sa bansa. Bukod dito, nagbigay sila sa mga healthcare workers ng free care packages na binubuo ng life insurance at hospitalization allowance.

  • Proect Smile

    Sa tulong ng #OperationBayanihan ng Project SMILE, kasama ang kanilang mga donors at partners, higit sa 5000 na katao sa bansa ang nakatanggap ng mga donasyon gaya ng cash aid, PPEs, surgical gloves, masks, face shields, at iba pa.


    Ipagpatuloy ang pagsuporta sa kapw

  • Shopee

    Ang Shopee Philippines ay nagsagawa ng donation drive na Shopee Bayanihan para sa mga ospital na nangangailangan ng mga karagdagang health equipment. Nakapamahagi sa 40 na ospital sa Luzon ng 100,000 surgical masks at 3,000 coronavirus test kits na aprubado ng Food and Drug Administration.

    Taos pusong pasasalamat sa inyo!