Ngayong 4 PM, Mayo 26, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,310 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,408 na gumaling at 150 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (46,037) ang aktibong kaso, 94.5% (1,127,770) na ang gumaling, at 1.69% (20,169) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 24, 2021 ngunit mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.1% sa lahat ng samples na naitest at 1.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.
