November 21, 2022

Noong ika-20 ng Nobyembre 2022, mayroong 568 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,358 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 493(20.9%) ang okupado. Samantala, 4,796 (23.1%) ng 20,754 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.38% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 20 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.46% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Nobyembre 14 hanggang 20, 8,004 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,143, mas mababa ng 12 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 13. Sa mga bagong kaso, 2 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 93 na pumanaw kung saan 28 ay naganap noong Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 20.

Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker

Note:

Of the 93 deaths, 28 occurred in November 2022, 1 in October 2022, 1 in March 2022, 4 in February 2022, 10 in January 2022, 1 in December 2021, 8 in October 2021, 14 in September 2021, 7 in August 2021, 2 in July 2021, 2 in June 2021, 5 in May 2021, 4 in April 2021, 4 in March 2021, 1 in February 2021, and 1 in September 2020.