Noong ika-19 ng Marso 2023, mayroong 368 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,040 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 272 (13.3%) ang okupado. Samantala, 2,853(17.0%) ng 16,735 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 78 milyong indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Marso 13 hanggang 19, 1,171 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 167, mas mataas ng 19 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Marso 6 hanggang 12. Sa mga bagong kaso, 6 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 63 na pumanaw kung saan 0 ay naganap noong Marso 6 hanggang 19.
*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.*
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
Of the 63 deaths, 2 occurred in March 2022, 6 in February 2022, 6 in January 2022, 4 in November 2021, 11 in October 2021, 8 in September 2021, 9 in August 2021, 4 in July 2021, 3 in June 2021, 3 in May 2021, 4 in April 2021, 2 in March 2021, and 1 in January 2021.