Noong ika-25 ng Disyembre 2022, mayroong 516 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,367 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 451(19.1%) ang okupado. Samantala, 3,324 (17.6%) ng 18,935 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 73 milyong indibidwal o 94.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.44% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Disyembre 19 hanggang 25, 5,690 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 813, *mas mababa ng 25 percent* kung ikukumpara sa mga kaso noong Disyembre 12 hanggang 18. Sa mga bagong kaso, 3 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 172 na pumanaw kung saan 24 ay naganap noong Disyembre 12 hanggang Disyembre 25.
Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note*
Of the 172 deaths, 27 occurred in December 2022, 10 in November 2022, 15 in October 2022, 19 in September 2022, 5 in August 2022, 2 in March 2022, 9 in February 2022, 10 in January 2022, 2 in December 2021, 2 in November 2021, 10 in October 2021, 17 in September 2021, 9 in August 2021, 4 in July 2021, 4 in June 2021, 4 in May 2021, 13 in April 2021, 6 in March 2021, 1 in November 2020, 1 in October 2020, 1 in September 2020, and 1 in August 2020.