Noong ika-13 ng Marso, mayroong 1,006 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 3,598 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 704 (19.6%) ang okupado. Samantala, 17.2% ng 27,021 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Higit sa 64 milyong indibidwal o 71.71% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 11.1 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.5 milyong senior citizens o 74.87% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Marso 7 hanggang Marso 13, 2022, 4,131 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 590, mas mababa ng 35% kung ikukumpara sa mga kaso noong Pebrero 28 hanggang Marso 6. Sa mga bagong kaso, 3 o 0.07% ang kasalukuyang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 591 na pumanaw.
**Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted facemask at kung maari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa dagdag na proteksyon laban sa banata ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster**
Para sa mas maraming impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker
Note:
**Of the 591 deaths, 115 occurred in March 2022 (19.5%), 164 in February 2022 (27.7%), 95 in January 2022 (16.1%), 8 in December 2021 (1.4%), 6 in November 2021 (1.0%), 15 in October 2021 (2.5%), 40 in September 2021 (6.8%), 23 in August 2021 (3.9%), 19 in July 2021 (3.2%), 16 in June 2021 (2.7%), 3 in May 2021 (0.5%), 10 in April 2021 (1.7%), 6 in March 2021 (1.0%), 1 in February 2021 (0.2%), 2 in January 2021 (0.3%), 15 in December 2020 (2.5%), 7 in November 2020 (1.2%), 9 in October 2020 (1.5%), 11 in September 2020 (1.9%), 16 in August 2020 (2.7%), 6 in July 2020 (1.0%), 1 in June 2020 (0.2%), 2 in May 2020 (0.3%), and 1 in March 2020 (0.2%) due to late encoding of death information in COVIDKaya. This is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date.**